MANILA, Philippines – Itinaas ng Philippine Sports Commission (PSC) ang allowances na ibinibigay sa mga atletang lalaro sa SEA Games.
Ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, napagkasunduan ng PSC board na gawing $500 ang ibibigay sa mga manlalaro at coaches na kasama sa Singapore Games mula Hunyo 5 hanggang 16.
Mas mataas ito ng $200 dahil ang dating ibinibigay ay nasa $300 lamang.
Isang buhos ang pagbigay ng allowance sa atleta at hindi ibinibilang dito kung ilang araw mamamalagi ang isang atleta sa Singapore.
“Ito ay isang pamamaraan para ma-inspire ang ating mga atleta,” ani Garcia.
Nasa 466 ang bilang ng Pambansang manlalaro na sasabak sa 35 sa 36 sports disciplines na gagawin sa kompetisyon.
Kailangang maitaas ang morale ng Pambansang atleta dahil nais ng Pilipinas na makabangon mula sa bangungot ng 2013 Myanmar Games.
Sa nasabing kompetis_yon ay nalagay sa pinakamasamang pagtatapos ang bansa sa ikapitong puwesto bitbit lamang ang 29 ginto, 34 pilak at 38 bronze medal.
Sa edisyong ito ay ha nap ng bansa na manalo ng hindi bababa ng 50 ginto na sa paniniwala ng mga sports officials ay sapat na para lumaban sa ikalimang puwesto.
Ang mga mananalo ng medalya ay tatanggap din ng pabuya sa pamahalaan at ang ginto ay may P100,000.00 pabuya, ang pilak ay may P50,000.00 at ang bronze ay may P10,000.00 base sa Incentives Act.
Source: Philippine Star