Inaresto ang isang Singaporean at ilang mga foreigners dahil sa tangkang pag-aayos ng football matches sa Southeast Asian Games (SEA Games).
Sa ipinalabas na pahayag ng ng Corrupt Practices Investigation Bureau (CPIB) sila ay mahigpit na nagbabantay sa mga match fixing activities sa football at ng may nagbigay ng impormasyon sa nangyayari sa football match sa SEA games ay agad na nila itong tinugunan.
Hindi naman na ipinalabas ng CPIB ang mga pagkakakilanlan ng mga nahuling suspek hanggat hindi napatunayan ang nasabing akusasyon.
Tinutulungan ng ilang myembro ng Timor Leste SEA Games football team ang CPIB sa kanilang pag-iimbestiga.
Nakatakdang mag-umpisa ang group stage football match ng SEA games bago pa lamang ito pormal na magbukas sa darating na Hunyo 5.
Matatandaan na kasalukuyang nakakulong ang Singaporean businessman na si Eric Ding matapos na ito ay inaresto dahil sa pagbibigay ng babae sa mga Lebanese footbal referees para maimpluwensyahan ang international matches noong Abril 2013.
At noong September 2013, labing apat na katao na myembro ng match-fixing syndicate ang inaresto kasama ang tinuturing nilang mastermind na si Dan Tan o kilalang Tan Seet Eng.
Source: Jovino Galang Jr. of Bombo Radyo Philippines